KADUDA-DUDA | Pagkakatalaga kay Justice Samuel Martires bilang Ombudsman, pinagdududahan ng ilang mambabatas

Manila, Philippines – Kaduda-duda para kay Akbayan Representative Tom Villarin ang pagkakatalaga kay Associate Justice Samuel Martires bilang Ombudsman.

Ayon kay Villarin, maraming desisyon na pinaburan noon si Martires sa kanyang mga kasalukuyang benefactors ngayon.

Ilan sa mga ito ay ang pagbasura ni Martires sa Sandiganbayan sa graft charges laban kay Pangulong Duterte noong ito ay Alkalde pa noong 2011 kaugnay sa demolisyon sa parke na itinayo ng political rival na si dating Speaker Prospero Nograles.


Si Martires din ang pumonente noon sa pagbasura sa desisyon sa 24 na taon na P50-Billion damage suit na inihain laban sa mga Marcos at sa mga crony nito.

Bukod dito, hindi rin nag-inhibit si Martires sa pagboto sa pagpapatalsik kay dating SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Dahil sa mga desisyon ni Martires na pumapabor noon kay Pangulong Duterte at sa mga Marcos, walang tiwala ang kongresista na magiging independent at patas ang Ombudsman.

Facebook Comments