Kafala system, ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa UN na i-abolish

Ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations na buwagin na ang “Kafala system”.

Ang “Kafala system” ay isang scheme sa Middle East kung saan pinapayagan ang mga employer na kontrolin ang employment at migration status ng kanilang foreign workers na humahantong sa pagmamaltrato.

Sa kaniyang speech sa 76th session ng United Nations General Assembly (UNGA), inihalintulad ni Pangulong Duterte ang Kafala system sa isang malaking kadena na kumokontrol sa mga mahihina.


Giit ni Duterte, hindi makatarungan na magpatuloy ang ganitong uri ng sistema.

Sinabi ng pangulo na bagama’t kinikilala niya ang mga repormang ginawa sa Kafala system, mas malakas ang kaniyang panawagan para i-abolish ito.

Facebook Comments