KAGAGAWAN NG NPA? | 2 heavy equipment na pagmamay-ari ng mayor, sinunog

Trento, Agusan Del Sur – Sinunog ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang dalawang heavy equipment na ginagamit sa quarry operation sa Purok 6, Sitio Ong-gud, Barangay Tudela Bayan ng Trento, Agusan del Sur.

Ayon kay Police Officer 2 Richard Luminarias ng Trento PNP, aabot sa 15 kilometros ang layo sa lugar sa stasyon ng pulis kaya’t nadatnan na lang sa mga otoridad ang nasusunog na heavy equipment na pag-aari ni Trento Mayor William Calvez na kinabibilangan ng isang pay-loader at isang backhoe.

Sinasabing aabot sa 5 milyon pesos ang danyos.


Facebook Comments