
Cauayan City – Ibinida ng Philippine Air Force ang kanilang mga kagamitan sa pamamagitan ng isang Mall Exhibit na ginanap noong ika-12 hanggang ika-13 ng Abril sa SM City Cauayan.
Tampok rito ang FA-50 light combat aircraft at Super Tucano simulators kasama ang mga replika ng iba pang modern aircraft ng Philippine Air Force.
Maliban dito, ipinakita rin ng PAF sa publiko ang iba pa nilang kagamitan katulad na lamang ng Search and Rescue Operation Equipments, K-9 unit equipments, at iba pang mga armas.
Sa isang panayam sa Group Commander ng Tactical Operations Group 2 na si Colonel Glenn S. Piquero, sinabi nito na ang aktibidad na ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-78 anibersaryo ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.
Aniya, layunin nito na mas maipakikila pa sa publiko ang Philippine Air Force at kung ang kanilang gampanin sa pagtatanggol at pagpapanatili ng kapayapaan sa bansang Pilipinas.
Samantala, dinumog naman ng mga mall goers ang exhibit, at nabigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng kaalaman at masubukan ang mga kagamitan ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.