Nakatanggap ng karagdagang kagamitan ang mga Kabaleyan Market Vendors sa bayan ng Mapandan nitong Disyembre bilang bahagi ng patuloy na suporta sa kanilang kabuhayan.
Ang aktibidad ay ikalawang bahagi ng tulong mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pagpapaunlad at pagpapabuti ng kanilang operasyon sa pamilihan.
Naipamahagi sa mga manlalako ang isang megaphone at 45 piraso ng emergency lights, fire extinguishers, calculators, at record books.
Ayon sa tanggapan, ang pamamahaging ito ay layong matulungan ang mga vendors na maging mas organisado, ligtas, at produktibo sa kanilang pang-araw-araw na operasyon sa pamilihan, at mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagtitinda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









