Cauayan City – Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang pagsira sa mga kagamitan na nasa loob ng bodega na dating hinihinalang shabu laboratory sa lungsod ng Cauayan, kahapon ika-8 ng Oktubre.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Isabela PDEA Officer Romarico Pagulayan, taong 2016 ng salakayin ng mga awtoridad ang lugar matapos mapag-alaman na ito pala ay ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga.
Aniya, dahil mahaba ang naging proseso ng pagdinig sa kaso ay ngayon lamang naglabas ng destruction order ang korte, kaya naman matapos maibaba ang kautusan ay kaagad rin silang nagtungo sa lugar upang sirain ang mga gamit na naririto kabilang na ang mga kemikal na ginagamit noon sa paggawa ng ilegal na droga.
Samantala, napatunayan naman sa korte na walang kinalaman ang may-ari ng lupa at establishimento kaya naman oras na matapos ang mga kinakailangang dokumento at proseso sa kasong ito ay muling ipapasakamay ng korte ang lugar sa legal na may-ari.
Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!