CAUAYAN CITY – Narekober ng 103rd Infantry Mabalasik Battalion ang iba’t-ibang armas pandigma sa probinsya ng Kalinga.
Ang kanilang mga armas na nakuha ay daan-daang live ammunition ng caliber. 45 pistol, improvised explosive device, at iba pa.
Ayon sa ulat, isang personnel ng Squad of Civilian Active Auxiliary (CAA) ang nagsasagawa ng Long Range Patrol (LRP) at Oplan Ultimatum nang madiskubre nito ang mga gamit pandigma na pagmamay-ari ng mga rebeldeng CPP-NPA-NDF sa Sitio Babacong, Brgy Gawaan, Balbalan, Kalinga.
Nagpag-alaman din sa imbestigasyon na isinagawa na ang naturang lugar ay dating ginagamit bilang kampo ng mga WKLG Baggas sa ilalim ng Ilocos Cordillera Regional Committee (ICRC) noong 2022.
Patuloy naman ang panghihikayat ng 103IB sa mga iba pang rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan at mamuhay ng tahimik at mapayapa.