Kagamitang Pandigma ng mga NPA, Narekober sa Mountain Province

Cauayan City, Isabela- Nadiskubre ng mga awtoridad ang inabandonang gamit pandigma ng mga rebeldeng grupo sa Bauko, Mountain Province.

Ito ay makaraang magsagawa ng internal security operation ang mga tauhan ng Mountain Province 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, NISG-NL, Bauko MPS, 143SAC 14SAB, RIU 14, PIU Mt. Province, RID PROCOR at EOD/K9 PECU-MP.

Ilan sa mga nadiskubre sa lugar ang isang (1) piece mine, (CDX) anti-personnel improvised explosive device, 31 pieces stick dynamite commercial with markings Nitro EM 1500 Emulsion Explosives, isang (1) mine container with detonating cord and seven meters of wire, one blue plastic drum, two books with markings Batayang Kurso ng Partido, 20 fox holes at mga personal na gamit.


Tumulong na rin ang Provincial EOD Canine Unit (PECU) para sa posibleng pagkarekober naman ng ibang Improvised Explosive Devices (IEDs) upang wala na umanong mabalikan na gamit ang mga NPA na kanilang posibleng gamitin sa pangha-harass sa hanay ng military at kapulisan maging sa publiko.

Hinimok naman ng mga awtoridad ang iba pang natitirang NPA na magbalik loob na lamang sa pamahalaan at tamasahin ang tahimik na buhay.
( Bauko MPS)

Facebook Comments