Kagawad at kaibigan nito hindi pinagbigyan, GRO pinatay

Mangatarem Pangasinan – Natagpuan ang inaagnas na katawan ng isang 32 anyos na babaeng kinilalang si Annalyn Canonisado, residente ng Porac Pampanga sa isang ilog sa Brgy. Tagac, Mangatarem Pangasinan. Ayon sa mga saksi sumama umano ang biktima mula sa kanyang pinatatrabahuhan na videoke bar sa dalawang lalakeng parokyano.

At sa imbestigasyon ng kapulisan dinala umano sa madilim na lugar malapit sa paanan ng kabundukan ng mga suspect ang biktima upang yayaing makipagtalik sa lugar at ng tumanggi ay pinagpupukpok hanggang sa mamatay ito. Natagpuan ang bangkay sa mabatong bahagi ng ilog kung saan ay hinihinalang ilang araw ng naroon.

Samantala sa follow-up operation ng PNP Mangatarem nadakip ang mga suspect na kinilalang sina Rolando Moreno, 35 anyos at Kagawad Florante Fortin Jr. 23 anyos na kapwa mga residente ng Brgy Tococ Barikir, Mangatarem Pangasinan at umamin sa nagawa nilang krimen.


Facebook Comments