Kagawad ng Barangay sa Santiago City, Namahagi ng Pagkain mula sa Kanyang Sahod!

Cauayan City, Isabela- Namahagi ng mga pagkain sa kanyang mga kabarangay ang isang Kagawad mula sa kanyang sariling sahod.

Ayon kay Kagawad Joseph Cortez ng Barangay Mabini, ito ay simpleng paraan para makatulong sa pagtugon ng gobyerno sa mga pamilya na higit na naapektuhan dahil sa Enhanced Community Quarantine.

Dagdag pa ng opisyal, bukod sa paglilingkod ay kinakailangan din ang bayanihan sa pamamagitan ng isang produktibong pagtugon sa mga nangangailangan.


Ikinatuwa naman ng ilang residente sa lugar ang pagbibigay ng opisyal ng manok, hotdog at iba pa.

Samantala, nagnegatibo na sa COVID-19 ang isang health worker na residente ng naturang barangay subalit sasailalim pa rin ito sa 21-days quarantine.

Nananatili namang naka-lockdown ang ilang bahagi ng Purok 6 sa naturang barangay bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Facebook Comments