Manila, Philippines – Pinag-usapan sa naganap na Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC Meeting ang pagbuo sa isang kagawaran para maging pangunahing tanggapan ng pamahalaan na siyang tututok sa Housing at Urban Development.
Isa kasi sa mga inilatag na panukala sa ilalim ng Rightsizing bill ay ang pagbuo ng Department of Housing and Urban Development pero hanggang sa ngayon ay hindi pa naglalabas ang Malacanang ng buong detalye ng nasabing usapin.
Hindi naman natalakay sa nasabing pulong pero naka linya sa mga dapat pagusapan ay ang pagbuo ng Department of Culture at Philippine Space Agency.
Itinakda naman ang susunod na LEDAC meeting sa September 20.
Facebook Comments