KAGITINGAN REEF | Magdalo Representative Gary Alejano, hinimok ang gobyerno na maghain ng diplomatic protest laban sa China

Manila, Philippines – Himinok ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano ang Malacañang na magsampa ng diplomatikong protesta sa China kasunod ng itinayo nitong monumento sa Kagitingan Reef sa South China Sea.

Ayon kay Alejano, hindi dapat kinukunsinte ng Duterte Administration ang China.

Mas lalo aniyang lumilinas na nais talagang kontrolin ng China ang nasabing teritoryo.


Dagdag pa ni Alejano, tila nagiging bulag ang gobyerno sa mga hakbang ng Tsina.

Sampal sa mukha sa mga iba pang claimant states ang Chinese activity sa lugar.

Naniniwala rin ang mambabatas na ang code of conduct negotiations ay ginagamit lamang para takpan ang tunay na motibo ng China.

Una nang sinabi ng palasyo na pag-aaralan nila ang paghahain ng diplomatic protest.

Facebook Comments