Kagulohang nangyari sa Marawi hindi balakid sa pagbukas ng isang malaking bangko sa Iligan

ILIGAN CITY- Hindi naging balakid ang kagulohangnangyayari sa lungsod ng Marawi para magbukas ang sa isang malaking bangko ditosa lungsod ng Iligan kahapon.

Ayon kay Ms. Consuelo Tan, division head ng visayas atMindanao ng Bank of Commerce na nakikita nilang naging progresibo na anglungsod at ayaw nilang maiwan sa pag-unlad nito kayat itinayo nila ang kanilangbangko sa lungsod.

Bagkos, may isang malaking mall na rin ang magbubukas salungsod bukas kayat nakatitiyak silang uunlad at uunlad pa rin ang lungsodkahit na may kagulohang nangyayari sa karating lungsod nito.


Naniniwala naman si Tan na hindi natatakot ang mgailiganon sa kagulohang nangyayari sa marawi at malaki ang kanyang tiwala sasuporta na ipinapakita ng lokal na pamahalaan sa lungsod ng iligan.(GHINER L.CABANDAY, RMN DXIC ILIGAN)

 

Facebook Comments