Kaguluhan sa pagitan ng mga awtoridad at KOJC members, isinisisi ng isang senador kay Pastor Apollo Quiboloy

Isinisi ni Senator Risa Hontiveros kay Pastor Apollo Quiboloy ang nangyayaring gulo ngayon sa pagitan ng mga awtoridad at ng mga supporter ng pastor sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ayon kay Hontiveros, hindi sana aabot sa ganitong kaguluhan kung sa simula pa lamang ay nagpakita na sa Senado o sa korte si Quiboloy.

Apela ng senadora kay Quiboloy, matatapos ang lahat ng gulo kung magpapakita na ito sa publiko.


Nanawagan din ng kahinahunan si Hontiveros sa mga pulis at sa mga miyembro ng KOJC.

Pinatitiyak ng mambabatas na walang karahasan ang mangyayari sa pagtupad ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mandato.

Mahalaga aniyang sundin ng ating pulisya ang “maximum tolerance” at wala mamamayan ang dapat na masaktan sa proseso ng pagdakip kay Quiboloy.

Facebook Comments