Kagustuhan ng PNP-IAS na mahiwalay sa PNP, ipinauubaya na sa Kongreso

Ipauubaya na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa Kongreso ang kagustuhan ng PNP- Internal Affairs Service na humiwalay sa PNP.

Sinabi ni PNP Officer in Charge  PLt. Gen. Archie Gamboa na hahayaan na nila ang Kongreso sa talakayin ang usapin.

Sa ilalim kasi aniya ng batas ay nasa ilalim talaga ng Chief PNP ang PNP-IAS.


Pero paglilinaw nito na pinag-aaralan din nila ang hiling ng PNP-IAS na mabigyan sila ng adjudicatory power at hiwalay na pondo.

Dagdag pa nito na hindi lang naman IAS ang nag-iimbestiga sa mga pasaway na pulis.

Dahil maging ang Ombudsman, Peoples Law Enforcement Board (PLEB), Local Chief Executive, NAPOLCOM at iba pa ay nag-iimbestiga sa mga may kasong pulis.

Samantala, nilinaw naman ni PMGen. Lyndon Cubos ng DPRM na hindi totoo na mas matagal ang proseso ng mga iniimbestigahang pulis noong panahon ni dating PNP Chief PGen. Oscar Albayalde kumpara noong panahon ni Senator Ronald Dela Rosa.

Facebook Comments