Isinagawa sa bayan ng Buluan sa Maguindanao ang kauna unahang Persons with Disability o PWD Summit.
Itoy kasabay ng ika 40th National Disability Prevention and Rehabiltation Week .
Ang 2 day Summit ay nilahukan ng higit 200 mga PWDs mula sa ibat ibang bayan ng lalawigan.
Kaugnay nito nagsagawa ng election ang mga lumahok na PWD at inihalal ang mga bagong set of officers.
Naihalal bilang President si Ramil Mama, VP si Jessy Datuwata,Secretary si Norhanie Taha, Treasurer si Habib Samama, Auditor si Bernadino Francisco, PIO si Yasmin Dalimbang, Business Manager sina Josephine Mugang at Mangundato Uga at Sgt at Arms sina Rayhan Mokamad at Edmond Labio.
Layun ng Summit ay upang di lamang ipakita at ipadama ng Maguindanao Government ang pagmamahal at pagsuporta sa mga may kapansanan sa lalawigan kundi ipabatid sa lahat ng LGU ang karapatan ng mga PWD nilang mga kababayan ayon pakay Lynette Estandarte, Provincial Budget Officer ng Maguindanao at organzer ng Summit.
Kaugnay nito, inaasahang magiging bisita sa Day 2 ng Summit sina DSWD ARMM Secretary Atty Laisa Alamia kasama si Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.
Tema ngayong taon ng okasyon ay Kaalaman at Kasanayan Para sa Kabuhayan at Kaunlaran.