Kahalagahan na magkaroon ng ASEAN Code of Conduct sa WPS, iginiit ng liderato ng Kamara sa mga bansa ng ASEAN

PHOTO: PCG

Hinikayat ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na magkaisa sa pagbuo ng Code of Conduct alinsunod sa prinsipyo ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Mensahe ito ni Romualdez sa Manila Dialogue on the South China Sea kaakibat ang pagbibigay-diin na hindi natitinag ang Pilipinas sa pagtaguyod ng soberanya at karapatan nito sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Romualdez kailangang manatiling mapagmatyag matapos ang ginawang pagbangga ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at pangha-harass nito sa mga mangingisdang Pilipino.


Sa kabila nito ay iginiit ni Romualdez na mahalaga ang isang peaceful and rules-based approach sa pagtugon sa isyu ng WPS at ang pag-angkin ng China sa South China Sea.

Facebook Comments