Kahalagahan ng dekalidad na edukasyon, iginiit ni Loren Legarda

Napakahalaga para kay senatorial candidate Loren Legarda na mabigyan ng kalidad na edukasyon ang ating mga estudyante.

Ayon kay Legarda, natutuwa siya na ginagawa ang lahat para sa ligtas na pagbukas ng lahat ng paaralan sa ating bansa.

Nauna nang gumawa ng rebisyon ang Department of Education sa School Safety Assessment Tool (SSAT) na kanilang ginagamit para makita kung handa na ang isang paaralan na magbukas.


Sabi pa ni Legarda, nais niyang mabigay sa mga estudyante ang lahat ng kailangan nila hindi lamang para sa ligtas na pagbabalik paaralan gayundin ang lahat ng kanilang kailangan para sa kalidad na edukasyon.

Si Legarda ay isa sa may akda ng Republic Act 10931 o ang “Universal Access to Quality Tertiary Education Act” na nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga karapat-dapat na estudyante ng mga piling State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs).

Siya rin ang author ng House Bill no. 10405 o ang “One Tablet, One Student Act” na naglalayon namang magbigay ng tablet gadget at internet allowance sa mga estudyante.

Facebook Comments