Iginiit ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang kahalagahan ng family planning upang matuldukan ang problema sa paglobo ng populasyon.
Sa pamamagitan ng Population Management Program ng pamahalaan, tututukan ang pagpapalawak ng impormasyon tungkol sa Family Planning.
Ayon kay POPCOM Usec. Juan Antonio Perez III, taun-taon ay higit isang Milyon ang nadaragdag sa populasyon ng bansa.
Kung susumahin, halos nasa 109 Milyon na ang kabuoang populasyon sa Pilipinas.
Isa sa nakikitang dahilan ng pagtaas ng populasyon ay ang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy.
Problema rin ang repeat of pregnancy o pag-uulit na pagbubuntis ng mga kabataan dahil limitado ang kaalaman sa Family Planning.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong 2017, nasa 9% ng mga kababaihan na nasa edad 15 hanggang 19 ang nabubuntis ng maaga o nagiging isang ina.