Kahalagahan ng higit na suporta sa poultry industries, iginiit ng isang kongresista

Iginiit ni Las Piñas Representative Camille Villar ang kahalagahan na mabigyan ng higit na suporta ang chicken and poultry industries.

Ito ay sa gitna ng iba’t ibang hamon na kinakaharap ngayon tulad ng Avian Flu, mataas na presyo ng feeds at iba pang mga sakit na nakakaapekto sa produksyon ng poultry meat at itlog.

Binanggit din ni Villar ang importasyon na dagok sa buong chicken value chain mula sa mga negosyante hanggang sa mga nagtitinda sa lansangan.


Kaya naman sa kanyang pagharap sa 2024 Philippine Poultry Show & ILDEX Philippines event ay nangako si Congresswoman Villar na patuloy na isusulong ang mga panukalang batas na makakatulong at magbibigay proteksyon sa chicken and poultry industries.

Ayon kay Villar, mahalaga sa mamamayan ang nutrients na nakukuha sa mga poultry products tulad ng manok na nagbibigay ng potassium, vitamin D, iron at calcium habang ang itlog naman ay nakakatulong sa paglaban sa sakit dahil mataas ito sa protina, iron, vitamins, minerals, at carotenoids.

Facebook Comments