Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jrang kahalagahan ng katapangan, integridad, at katatagan na ipinakita ng mga bayani ng Bataan ngayong Araw ng Kagitingan, April 9.
Sa opisyal na mensahe ng pangulo, kinilala nito ang tapang at dedikasyon ng mga beterano ng digmaan, na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng bansa.
Iginiit din ng pangulo ang patuloy na pangangailangan na ipagpatuloy ang mga adhikain ng mga bayani upang mapaunlad ang bansa at angkinin ang mga tagumpay na dulot ng kanilang sakripisyo.
Kaugnay nito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang bawat Pilipino na magtulungan at magkaisa para sa ikauunlad ng bansa.
Ngayong umaga ay pinangunahan ng pangulo ang selebrasyon ng ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, sa Mount Samat National Shrine sa Bataan.