Kahalagahan ng loss and damage fund board, binigyang-diin ni PBBM

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kahalagahan ng loss and damage fund, isang mekanismong pinansyal na ibinibigay ng developed countries sa pagresolba ng mga suliraning pangkalikasan na dulot ng industrial activities ng mga mayayamang bansa.

Sa isang ambush interview, pinaliwanag ng Pangulo na importante ang pondong ito at ang papel na gagampanan ng Pilipinas sa pamamahala nito.

Aniya, nagkasundo ang developed countries na bumuo ng pondong ito upang matulungan ang mga mahihirap na bansa na nagdurusa sa climate change na resulta ng mga industriyal na aktibidad ng mga mayayamang bansa.


Ipinunto ng pangulo na ang desisyon kung saan ilalaan ang pondo ay nakasalalay sa loss and damage fund board kung saan miyembro ang Pilipinas kaya’t mahalaga aniya ang papel ng bansa na magbibigay ng malaking impluwensya sa proseso ng paggawa ng desisyon.

Kumpiyansa naman si PBBM na bilang host ng LDF board ay masisiguro ng Pilipinas na ang mga pangangailangan at alalahanin nito ay matutugunan nang maayos.

Facebook Comments