Kahalagahan ng Martial Law, hindi dapat masapawan ng mapait na karanasan sa nakaraan ayon sa SC

Manila, Philippines – Nauunawaan ng Korte Suprema ang agam-agam ng mamamayan kaugnay sa muling pag-iral ng martial law bunsod na rin ng naging kasaysayan ng bansa nuong panahon ng batas militar ng Rehimeng Marcos.

Ayon sa desisyon ng hukuman, maging ang Korte Suprema ay hindi maaring balewalain ang nangyari sa nakalipas.

Pero giit ng Korte Suprema, hindi dapat masapawan ng mga malagim na karanasan ng bansa ang kahalagahan ng pagdedeklara ng martial law.


Ang martial law ay kritikal at mahalaga sa pagsusulong ng kaligtasan ng publiko, sa pangangalaga ng soberanya at sa ikasasalba ng bansa.

Mahalaga rin ang batas militar para mapangalagaan ang Pilipinas mula sa mga kalaban sa loob ng ating teritoryo, at maging sa mga kalaban na nagbabanta sa labas ng ating bansa.

Dahil dito, hindi dapat na maging masama ang pagtingin sa martial law nang dahil lamang sa personal na pagkiling at walang batayang mga haka-haka.

Dagdag pa ng Korte Suprema, may mga inilatag namang tinatawag na safeguard ang kasalukuyang Saligang Batas para maiwasan ang mga pag-abuso.

Facebook Comments