Kahalagahan ng mga nanay, kinilala ng liderato ng Kamara

Kaugnay sa katatapos na pagdiriwang ng Mother’s Day ay kinilala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mahalagang papel sa lipunan ng mga nanay kasama na rin ang mga lola sa paghubog ng kanilang pamilya at komunidad.

Diin ni Romualdez, marapat lamang pasalamatan at bigyang-pugay ang katatagan at oras na ibinubuhos ng mga ina sa bawat isa sa atin.

Ayon kay Romualdez, ang mga ina ang pundasyon ng pagmamahal at kalakasan ng bawat pamilyang Pilipino habang ang kanilang talino o kaalaman naman ay malaking tulong sa ating pagharap sa mga pagsubok o suliranin.


Binanggit din ni Romualdez na ang mga nanay ay ating gabay dahil sila ay mistulang ilaw na nagbibigay ng liwanag sa pagtahak natin sa tamang landas.

Sabi ni Romualdez, ang presensya at pagmamahal ng mga nanay ang tumitiyak ng sigla, inspirasyon, at kasiyahan sa bawat tahanan.

Facebook Comments