Kahalagahan ng pagiging handa sa sakuna, muling iginiit ng PHIVOLCS

Muling iginiit ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director at Department of Science and Technology (DOST) Usec. Renato Solidum na laging maging handa sa anumang sakuna na posibleng maranasan sa Pilipinas.

Ayon kay Solidum, sa pagdalo nito sa Media Forum sa National Press Club (NPC), ang pagiging laging handa ay makakatulong sa pagliligtas ng buhay at ari-arian.

Iginiit pa ni Solidum na importante o malaking papel ang gagampanan ng lokal na pamahalaan sakaling magkaroong sakuna dahil sila ang mas nakaka-alam sa kalagayan ng mga residenteng maaapektuhan.


Aniya, mas maiging huwag na rin magtayo ng anumang istraktura sa lugar na mataas ang panganib tulad na lamang ng mga bulkan na aktibo o maaaring sumabog anumang oras.

Ipinunto ni Solidum ang nangyayari sa Mayon at Taal kung saan ang dalawa ang pinaka-aktibong bulkan sa bansa at mga nangyayaring aktibidad nito ay depende sa dami ng magma na nasa loob.

At habang may mga nangyayaring aktibidad sa mga bulkan, mas maiging huwag munang bumalik ang mga residente sa paligid ng bulkan dahil walang kasiguraduhan kung muli itong sasabog.

Facebook Comments