Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa South China Sea.
Sa ika-9 na ASEAN–US Summit ipinunto ng pangulo na dapat magpatupad ng self-restraint ang lahat ng stakeholder upang maiwasan ang untoward incident sa rehiyon.
Binanggit din ng pangulo ang trilateral security partnership sa pagitan ng Australia, United Kingdom at United States.
Matatandaan na naging maingay ang security pact na ito, dahil nakapaloob sa planong pagbili ng Australia ng nuclear-powered submarines upang magamit sa pagpapatrolya sa South China Sea.
Ayon kay Pangulong Duterte, mahalaga na ang mga ganitong partnership ay alinsunod sa mga working method na ipinatutupad na sa rehiyon.
Kailangan ding magtulugan ang mga bansa tungo sa isang mapayapang resolusyon sa mga usapin alinsunod sa International Law, partikular ang 1982 UN Convention on the Law of the Sea.