Iginiit muli ni Davao City Rep. Paolo Duterte na dapat ng maibalik ang parusang kamatayan sa Pilipinas para matakot ang sinuman na gumawa ng krimen.
Para may Duterte, napapanahon na ang death penalty sa harap ng tumataas na bilang ng mga kaso ng gun violence at rape-slay tulad ng pagpatay sa isang architect sa Davao City.
Sa Kamara ay inihain na ni Duterte at ilang pang mambabatas noong nakaraang taon ang House Bill 501.
Itinatakda ng panukala ang pagpapatupad muli ng parusang bitay laban sa mga mapapatunayang gumawa ng mga karumal-dumal na krimen tulad ng pagpatay at panggagahasa.
Facebook Comments