Kahalagahan ng pagsusumite ng financial reports at disclosure financial relationships sa medical community, iginiit ng isang senador

Iginiit ni Senate Committee on Health Chairman Christopher Bong Go ang kahalagahan ng paalala ng Food and Drug Administration (FDA) sa lahat ng mga stakeholders kaugnay sa mandatory submission ng financial reports at disclosure ng financial relationships.

Kaugnay na rin ito sa kwestyunableng pharmaceutical practices ng Bell-Kenz Pharma na hinihinalang nagbibigay umano ng komisyon at iba pang insentibo kapalit ng pagrereseta ng mga doctor ng kanilang mga gamot at services sa mga pasyente.

Ikinalugod ni Go ang pagpapatupad ng FDA ng regulasyon upang matiyak ang transparency sa medical community at maiwasan ang mga posibilidad ng pagkakaroon ng “conflict of interest”.


Dahil sa maiging pagtupad ng FDA sa Online Disclosure Reporting System (ODRS) ay napapanatili ang integridad ng healthcare system bunsod ng patuloy na pagtiyak na ang lahat ng financial relationships na kinasasangkutan ng mga medical stakeholders ay transparent at masusing nababantayan.

Binigyang-diin din ni Go ang pangangailangan sa pagtalima sa mga umiiral na rules and regulations na kung saan, dapat na gawing prayoridad ang kalusugan ng mga pasyente at hindi ang puro kita.

Facebook Comments