KAHALAGAHAN NG PAGTUTOK SA KALUSUGAN, PRAYORIDAD SA INFANTA

Prayoridad sa Infanta ang pagbibigay halaga at pagtutok sa kalusugan ng bawat residente lalo ang mga nasa maliliit na komunidad.

Sa mga bahagi ng barangay at paaralan, isinagawa ang PuroKalusugan kung saan prayoridad na ibahagi ang ilan sa programa tulad ng Maternal and Child Health, Immunization, Water Sanitation and Hygiene, Nutrition, TB at HIV Control, Non-communicable Disease Prevention at Road Safety.

Bukod dito, nagbahagi rin ng mga sesyon sa mga grade 11 at 12 students kung saan nakatutok sa adolescent at mental health, pangangalaga sa kalusugan.

Hinikayat rin ang komunidad na makibahagi sa mga isinasagawang blood donation drive.

Buo naman ang naging suporta ng iba pang ahensya tulad ng PNP at PESO para sa iba pang serbisyong hatid sa aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments