Kahalagahan ng pagtutulungan para sa personnel administration sa rehiyon ng Asya sa ilalim ng “new normal”, isinulong ng CSC sa ASEAN Plus 3 Civil Service Ministers and Heads Conference sa South Korea

Isinulong ng Civil Service Commission (CSC) ang kahandaan ng bawat bansa sa ASEAN na ibahagi ang kanilang naging best practices o mahusay at makabagong gawi at panuntunan sa larangan ng human resources management para sa mas epektibong public service o civil service.

Ito ang binigyang diin ni Civil Service Commission Chairperson Karlo Nograles sa kaniyang mensahe sa ASEAN Plus 3 Civil Service Ministers and Heads Conference sa South Korea.

Ayon kay Nograles, ang 2022 ACCSM+3 Conference ay magsisilbing daan para sa pagkuha at pamamahagi ng iba’t ibang kaalaman tungkol sa makabagong aspeto ng human resource administration and reforms.


Ayon pa sa CSC Chairperson, mahalaga ang ASEAN Cooperation on Civil Service Matters (ACCSM) sa ilalim ng “new normal”.

Binati ni Nograles si Minister Kim Seung Ho at sa Ministry of Personnel Management ng Republic of Korea dahil sa matagumpay na pagho-host nito sa nasabing pagpupulong ng ASEAN Civil Service Ministers at Heads, kung saan nakasama rin ang kanilang counterparts mula sa China at Japan.

Bukod sa ASEAN Plus 3; na Japan, China at South Korean, civil service ministers at heads, dumalo rin sa Sejong Conference na ito ang mga senior official ng King’s College of London, Australian Public Service Commission, Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD), at ng United Nations Development Programme (UNDP).

Facebook Comments