Kahalagahan ng pakikiramay sa kapwa, ipinaalala ng liderato ng Kamara

Kaugnay sa natatapos na pagdiriwang ng Eid Al-Adha ay nagpaabot si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng isang mapayapa, makahulugan at makabuluhang pagbati sa ating mga kapatid na Muslim.

Batid ni Romualdez na ang Eid Al-Adha ay isang sagradong okasyon at panahon ng pananalangin, debosyon at pagkakaisa sa komunidad sa ngalan ng pagsasakripisyo at pananampalataya ng mga kapatid nating Muslim sa buong bansa.

Umaasa si Romualdez na ang Eid Al-Adha ay maghahatid ng oportunidad para sa personal na debosyon at pagkakataon upang magkaisa, magtulungan at magsakripisyo ang bawat isa para sa kapwa at sa ikabubuti ng bawat komunidad.


Dagdag pa ni Romualdez, ang Eid Al-Adha ay isang paalala ng ating mayamang mga tradisyon na ating ipinagmamalaki at lubos na ipinagdiriwang sa gitna ng pagkakaroon ng iba’t ibang kultura at pananampalataya sa ating bansa.

Facebook Comments