Binigyang-diin sa mga San Carlenian ang kahalagahan ng pamamahagi o pagdo-donate ng dugo sa isinagawang community awareness activity na naglalayong hikayatin ang mas marami pang boluntaryong donor.
Sa naturang aktibidad, ipinaliwanag ang kahalagahan ng pagdo-donate ng dugo bilang isang simpleng paraan ng pagtulong at pagliligtas ng buhay.
Ibinahagi rin na ang bawat bag ng dugo ay nagsisilbing pag-asa para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.
Tinalakay rin ang mga benepisyo ng regular na blood donation, kabilang ang pagtulong sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng dugo at ang positibong epekto nito sa kalusugan ng donor.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay-kaalaman at pagkakaisa ng komunidad, inaasahang masisiguro ang sapat, ligtas, at laging handang suplay ng dugo para sa mga nangangailangan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










