Kahalagahan ng pandemic funds na binalewala ng DOH, pinatutsadahan ni VP Leni Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo ang kahalagahan ng pandemic funds na hindi nagamit nang maayos ng Department of Health (DOH).

Ito’y matapos makita ng Commission on Audit (COA) na umabot sa P67.3 bilyong pondo ng DOH ang hindi nagamit ng kagawaran para sa COVID-19 response.

Ayon kay Robredo, nakakabahala lalo’t maraming medical frontliners, ospital at mga pasyente ang umaasa ng tulong simula pa noong 2020.


Habang giit pa ni Robredo, mas maraming Pilipinong naghihingalo at umaasang gumaling kung nagamit sa tama ang pondong inilaan para sa ahensya.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang pagpapadala ni VP Leni ng suporta sa mga frontliners sa mga ospital at iba’t ibang institusyon—tulad ng pamimigay ng mga personal protective equipment (PPE), medical supplies at hot meals para sa mga frontliners.

Facebook Comments