Kahalagahan ng Ramadan, kinilala ng Liderato ng Kamara

Binati ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga kapatid nating Muslim sa kanilang pagdiriwang ng Ramadan ngayong buwan.

Kaakibat nito ang hangad ni Romualdez na ang kapayapaan, kalusugan at kaligayahan ng bawat pamilya Muslim.

Para kay Romualdez, napakahalaga ng Ramadan sa pagbabalik-tanaw o pagmumuni-muni, pagbabago at pagsusulong ng kapayapaan dahil nagbibigay ito ng pagkakataon para sa taimtim na pagdarasal at pagbubuklod.


Nagpahayag din ng paghanga at paggalang si Romualdez sa dedikasyon at pagsunod ng mga Pilipinong Muslim sa banal na panahong ito.

Ayon kay Romualdez, ang banal na buwan na ito, anuman ang paniniwala, ay isang paalala na mag-isip kung ano ang mai-aambag upang mapabuti ang mundo at paano matutulungan ang kapwa.

Kaugnay nito ay ipinangako naman ni Romualdez na ang Kamara ay magiging katuwang sa pagkakaloob ng suporta at proteksyon sa mga karapatan at kalayaan ng mga Muslim community sa bansa.

Facebook Comments