Kahalagahan ng reserved forces, binigyang diin ng AFP

Kasabay ng pagdiriwang ng 45th National Reservist Week.

Binigyang halaga ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang papel ng reserved forces.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nagsisilbing dagdag pwersa ang mga reservists kung saan handa ang mga ito na ideploy saka-sakaling may giyera, invasion o rebellion; gayundin sa pagtulong sa relief and rescue operations sa panahon ng kalamidad at nagbibigay ng assitance sa socio-economic development.


Ani Padilla, pinaigting nila ang recruitment sa reserved forces kung saan malaki ang naitulong ng mga artista sa paghikayat lalo na sa mga kabataan.

Sa katunayan, trumiple ang bilang ng mga nag-rereservist ngayon kumpara nuong mga nakalipas na panahon.

Facebook Comments