Kahalagahan ng tamang nutrisyon para sa mga teenager at young adults, tinalakay ng programang Nutrisyon mo, Sagot ko!

Pinag-usapan sa episode 24 ng programang Nutrisyon mo, Sagot ko ng National Nutrition Council ang tamang nutrisyon para sa mga teenager at young adults.

Ayon sa guest expert na si Ma. Jenee Virtudazo, Nutritionist – Dietitian at Associate Professor mula sa University of the Philippines-Los Baños, sa adolescence stage mabilis nagbabago ang katawan ng isang tao o paglaki kaya maraming nutrisyon ang kailangang maibigay o mapunuan.

Upang makamit ito, dapat aniya ay sapat ang dami ng mga kinakailangang enerhiya ng mga teenager at young adults upang masuportahan ang kanilang paglaki at maiwasan ang pagkabansot.


Dapat din aniyang matiyak na sapat ang mga kinakailangang micronutrients ng katawan upang maiwasan ang anumang sakit.

Sinabi ni Virtudazo na ang mga teenager at young adults sa panahon ngayon ay naiimpluwensya ng social media at technolohiya kaya kailangang ipaliwanag sa kanilang mabuti ang maganda at masamang epekto nito sa kanilang development sa pangangatawan at sa kanilang performance.

Pinayuhan nito ang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa wastong nutrisyon na kailangan sa kanilang adolescence stage tulad ng pagkain na naaayon sa Pinggang Pinoy.

Siguraduhin rin aniya na nakakain ang mga ito sa tamang oras at magkaroon ng magandang life style.

Facebook Comments