Kahandaan at tibay ng mga paaralan sa lindol, ipasisiyasat ng isang senador

Ipasisilip ni Senator Bam Aquino ang kahandaan ng mga public school buildings sa buong bansa sakaling may yumanig muli na malakas na lindol.

Ayon kay Aquino, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, mahalaga aniyang malaman kung gaano kahanda at katibay ang mga paaralan sa pagtama ng malakas na lindol.

Nababahala rin ang senador tungkol sa naging pag-amin ni dating Assistant District Engineer Brice Hernandez na halos lahat ng infrastructure projects sa Bulacan ay substandard at kabilang dito ang mga classrooms na pinagawa ng DPWH.

Kaugnay rito ay itutulak din ni Aquino na dagdagan ang pondo para sa inspeksyon at pagsusuri ng mga pampublikong paaralan upang matiyak ang tibay at kaligtasan ng mga ito.

Tatalakayin din sa gagawing imbestigasyon kung ano ang mga ginagawang pagkilos ng mga ahensya ng gobyerno para isaayos agad ang mga nasira sa mga school building at silid-aralan upang magamit agad at hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.

Facebook Comments