KAHANDAAN | Mga ospital ng pamahalaan, pinaghahanda na sa fireworks related injuries

Manila, Philippines – Nagiikot na ang mga tauhan ng Department of Health sa mga pampublikong ospital upang tiyakin ang kahandaan ng mga ito lalo’t papalapit na ang bagong taon.

Unang tinungo ng mga opisyal ng DOH ang Ospital ng Tondo, Philippine General Hospital at Tondo Medical Center.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang kanilang tally para sa fireworks-related injuries ay magsisimula bukas (December 21, 2018) hanggang (January 5, 2019).


Kaugnay nito, hinihikayat ng DOH ang publiko na tangkilikin na lamang ang mga fireworks display, upang makaiwas sa disgrasya.

Facebook Comments