Kahandaan ng bansa sa artificial intelligence, ipinasisilip ni Sen. Villanueva

Ipinasisilip ni Senator Joel Villanueva ang kahandaan ng bansa sa pagpasok ng artificial intelligence (AI).

Inihain ni Villanueva ang Senate Resolution 990 kung saan pinatutukoy ang mga dapat na hakbang para matugunan ng local labor market ang epekto ng artificial intelligence.

Pinamamadali ni Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE), National Economic and Development Authority (NEDA) at iba pang government agencies ang paghahanda at ang adaptability ng Philippine labor market sa AI upang maiwasan ang kawalan ng mga trabaho.


Una na kasing sinabi ng DOLE na unang maapektuhan ng deployment ng AI ang “manual operations” sa iba’t ibang tanggapan.

Sinabi ng chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development na welcome sa kanya ang mga bagong technology upang mapadali ang buhay at mapalakas ang productivity pero dapat na mag-double time ang DOLE at iba pang ahensya upang maihanda ang workforce ng bansa sa mga mahahalagang skills tulad ng critical thinking at problem solving.

Facebook Comments