Kahandaan ng ilang paaralan sa pagsasagawa ng dry-run ng face-to-face classes, ie-evaluate ng DepEd

Sasailalim sa evaluation ng Department of Education (DepEd) ang mga eskwelahang magiging bahagi ng pilot testing ng face-to-face classes.

Ayon kay Education Undersecretary at Spokesperson Atty. Nepomuceno Malaluan, hinihintay pa lamang nila ang pinal at opisyal na dokumento para sa dry-run ng physical classes sa susunod na taon.

Kailangang hintayin ang final terms mula kay Pangulong Rodrigo Duterte at cabinet approval.


Sinabi ni Malaluan na ang pilot run ng physical classes ay isasagawa sa mga lugar na ikinokonsiderang ‘low risk’ o nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ang iba pang ikinokonsidera para sa pagsasagawa ng face-to-face classes ay suporta mula sa lokal na pamahalaan at pahintulot mula sa magulang.

Ang dry run ng face-to-face classes ay gagawin sa Enero ng susunod na taon at naaayon sa mahigpit na health protocols.

Facebook Comments