KAHANDAAN NG LALAWIGAN NG PANGASINAN SA POSIBLENG MGA EPEKTO NG BAGYONG EGAY, TINIYAK NG AWTORIDAD

Tiniyak ang kahandaan ng lalawigan ng Pangasinan sa posibleng maging epekto ng bagyong Egay sa lalawigan sa naganap na pagpupulong ng PDRRM Council ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) upang talakayin ang mga hakbanging maisasagawa upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pangasinense.
Kabilang sa mga responders na aalalay ay ang Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Philippine Army, Philippine Coast Guard, Provincial Social Welfare and Development Office, General Services Office Provincial Engineering Office, Provincial Agriculture Office, Philippine Information Agency at Provincial Health Office.
Tinalakay ang iba’t-ibang mga gampanin sa pagresponde sa mga emergency calls sakaling makaranas na ng epekto at kahit bago pa dumating ito.

Patuloy din ang isinisagawang mga information dissemination ng mga lokal na pamahalaan sa bawat bayan at lungsod sa lalawigan at pinaalalahanan ang lahat na makiisa sa mga itinakdang mga patakaran upang maging zero casualty at ligtas ang Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments