KAHANDAAN NG MGA BARANGAY LABAN SA SAKUNA, HINIMOK NG PANGASINAN PDRRMO

Hinimok ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO ang publiko, partikular ang mga Pangasinense kaugnay sa kahalagahan ng kahandaan ng bawat barangay sa lalawigan sa panahon ng mga sakuna o kalamidad.
Saklaw ng nasabing paghahanda ang taglay ng bawat barangay na magkaroon ng sapat na kagamitan para sa emergency response laan para sa agarang pagresponde sa mga residenteng nangangailangan ng paunang lunas at tulong medikal, gayundin tuwing may kalamidad, ang kapasidad sa pag-evacuate ng mga taong apektado.
Binigyang diin ng otoridad ang kahalagahan ng mga barangay sa kalagayan ng nasasakupan nito at ang mga inihahandang mga plano upang maproteksyunan ang mga tao sa kanilang komunidad.

Samantala, sa kasalukuyan ay pinapayuhan din ang mga Pangasinense na maging alerto kaugnay sa ilang mga pag-ulang muling mararanasan dulot ng Bagyong Egay. |ifmnews
Facebook Comments