Pagsasanay at pagbibigay ng dagdag na kaalaman sa ilalim ng Disaster Risk Reduction and Management Course for Public Sector ang isa sa naging hakbang sa Bayambang upang mapalakas pa ang kahandaan ng mga barangay tuwing may darating na kalamidad.
Sumailalim sa nasabing pagsasanay ang mga opisyal ng mga barangay ng district 8 at iba pang kawani ng munisipyo.
Naglalayon ang pagsasanay na magkaroon pa ng dagdag na kaalaman ang mga opisyal ng barangay pagdating sa mas epektibong pagpaplano, pagpapatupad at maging pagtutok sa mga programa at proyekto ng DRRM sa mga komunidad.
Ilan sa mga ibinahagi ay ang iba’t-ibang aspekto ng ahensya tulad ng early warning systems, evacuation procedures, basic fire safety, at climate change adaptation.
Sa pamamagitan nito ay inaasahang mas magiging handa ang mga nasa komunidad sa ano man klase ng kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









