KAHANDAAN NG MGA KINATAWAN NG BARANGAY, PINATATAG SA EMERGENCY RESPONSE TRAINING SA DAGUPAN

Pinatatag ng City Health Office ang kahandaan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay sa isinagawang BE! LIGTAS sa Emergency at Natural na Sakuna kahapon, Disyembre 9, sa Dagupan.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng barangay sa paghahanda at pagtugon sa mga emergency at natural na kalamidad.

Tinalakay dito ang mga pangunahing hakbang na dapat isagawa ng barangay sa oras ng sakuna upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.

Ayon sa pamahalaang lungsod, mahalaga ang papel ng barangay bilang unang tumutugon sa mga insidente sa kanilang nasasakupan, kaya’t kinakailangan ang ganitong uri ng pagsasanay.

Binanggit din sa aktibidad na nanatiling walang naitalang casualties sa siyudad matapos ang nagdaang bagyo, bilang patunay sa maayos na koordinasyon at kahandaan ng mga barangay.

Facebook Comments