Tiniyak ang kahandaan ng mga resort sa Bolinao sa pagtanggap ng mga turista para sa nalalapit na Semana Santa 2026.
Ito ay matapos matagumpay na isagawa ang inspeksyon sa iba’t ibang resort sa bayan bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga turista at deboto.
Sinuri ang mga establisimyento kung sumusunod ang mga ito sa mga pamantayan sa kaligtasan, kalinisan, at kalidad ng serbisyo upang matiyak ang maayos at ligtas na pananatili ng mga bisita.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat sektor upang masiguro ang isang mapayapa, organisado, at makabuluhang paggunita ng Semana Santa para sa mga peregrino at turista.
Hinihikayat naman ang publiko na panatilihin ang mataas na antas ng serbisyo at pagsunod sa mga regulasyon para sa kapakanan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










