Kahandaan ng Pilipinas sa ASEAN 2026, siniguro ni PBBM sa harap ng ASEAN leaders

Nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pangunahan ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit 2026 na gaganapin sa Pilipinas.

Sa nagpapatuloy na 47th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, sinabi ni Pangulong Marcos na tututok ang hosting ng Pilipinas sa praktikal, inklusibo, at konkretong mga hakbang para isulong ang ASEAN Vision 2045.

Nagpasalamat ang pangulo sa Malaysia sa mainit na pagtanggap nito at binati ang Timor-Leste bilang bagong kasapi ng ASEAN.

Binigyang-diin ni PBBM ang kahalagahan ng ASEAN centrality sa pagtutulungan at katatagan ng rehiyon, gayundin ang mutual benefits at dialogue sa Indo-Pacific.

Pinagtibay rin niya ang suporta ng bansa sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), Biological Diversity of Areas Beyond National Jurisdiction Agreement, at mga inisyatibang nagtataguyod ng open markets, imprastraktura, at paglago ng ekonomiya sa rehiyon.

Facebook Comments