Kahandaan ng Pilipinas sa hindi magandang epekto ng Russia-Ukraine war at ng kalamidad, tiniyak ni PBBM

Kakayanin ng Pilipinas ang masamang epekto ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at dulot ng mga kalamidad.

Ito ay inihayag ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcso Jr., sa kaniyang intervention sa ginanap na ASEAN Global Dialogue sa Phonm Penh, Cambodia.

Sa dialogue, sinabi ng pangulo na nasimulan na ng Pilipinas ang daan para sa pagrekober sa COVID-19 pandemic at maayos na itong napapamahalaan ng gobyerno ng Pilipinas lalo na pagdating sa usapin sa pagkain, transportasyon at enerhiya.


Dagdag pa ng pangulo na batay sa Gross Domestic Product o GDP growth rate makikitang patuloy na nakakarekober ang Pilipinas sa krisis dulot ng pandemya.

Kaya naman titiyakin ng pangulo na mananatili ang kanilang pagtatrabaho para mas umangat ang ekonomiya ng Pilipinas sa tulong na rin ng ASEAN.

Naniniwala ang pangulo na bilang miyembro ng ASEAN ang Pilipinas kailangang ma-promote ang people-oriented, people-centered recovery at development sa harap ng pag-ahon mula sa epekto ng pandemya.

Facebook Comments