Kahandaan ng presidential candidates na muling ituloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NDF, welcome sa grupong Karapatan

Ikinalugod ng grupong Karapatan ang kahandaan ng presidential candidates na muling pabuksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF).

Gayunman, ayon kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, gusto nilang marinig muna kung kayang mapanindigan ng mga pumoposisyong presidential aspirants na kilalanin ang mga naisantabing naunang kasunduan sa nakalipas na peace talks.

Dagdag ni Palabay, hindi pa rin nagpapahayag ang mga ito ng malinaw na posisyon sa pagbuwag sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.


Maliban aniya sa NTF-ELCAC, dapat ay ibasura na rin ng susunod na pangulo ang ilang polisiya sa ilalim ng Duterte na nagiging sagabal sa pagpapatuloy ng peace talks.

Facebook Comments