Kahandaan ng Russia na tumulong sa Pilipinas sa suplay ng langis, welcome sa DOE

Welcome development para sa Department of Energy (DOE) ang kahandaan ng Russia na tumulong sa Pilipinas pagdating sa mapagkukunan ng langis.

Pero ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau (OIMB) Director Rino Abad, dapat tiyaking magiging government-to-government ang transaksyon hinggil dito.

Aniya, mababalewala ang pagbibigay ng Russia ng “special treatment” sa Pilipinas pagdating sa suplay at presyo ng langis kung commercial price pa rin ang paiiralin.


“Napakagandang development yan para matuloy yan sa isang government-to-government. At aalalayan po siguro ng government natin yung ating Petron refinery para makakuha po, well, tawagan na natin na ‘special treatment’ on the supply and pricing sa crude oil. Kasi kung commercial lang din ang pag-uusapan d’yan e wala ring epekto kung commercial price pa rin,” ani Abad.

Samantala, ngayong araw ay muling nagpatupad ng bigtime oil price hike ang mga kumpanya ng langis.

Pero ayon kay Abad, dahil sa panibagong lockdown sa Shanghai, China ay maaaring magkaroon ng rollback o kaya ay mapababa lamang nito ang posibleng taas-presyo sa langis sa world market sa susunod na linggo.

“Over the weekend, nag-implement ang China ng lockdown sa Shanghai na naman, 14 out of 16 district, so sa averaging natin, nakapakataas niyan, mga 90% to 95% ng 25 million population ng Shanghai.”

“So, ito rin ang nag-cause ng tatlong rollback before, historically, so ine-expect po natin na next week may epekto po ito either bumaba yung amount ng increase or possibly baka mag-rollback,” dagdag niya.

Facebook Comments