KAHANDAAN SA BANTA NG KALAMIDAD AT SEGURIDAD SA BURGOS, PINATATAG SA ISANG FULL-SCALE SIMULATION

Pinatatag ng LGU Burgos ang kahandaan ng bayan laban sa kalamidad at posibleng armed threats sa pamamagitan ng full-scale simulation exercise na isinagawa sa Barangay Ilio-Ilio Public Plaza.

Sa drill, isinagawa ang earthquake at tsunami response, kabilang ang “duck, cover, and hold” procedure, pag-activate ng Local Emergency Operations Center, at mobilisasyon ng mga rescue team.

Pinalawak din ang senaryo sa pagtugon mga human-induced crisis kung saan nagsanay ang mga awtoridad sa seguridad at emergency response, partikular sa napaulat kamakailan na pagkakakita sa isang armadong grupo sa West Philippine Sea walong kilometro mula sa baybayin ng Burgos.

Nakibahagi sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya kabilang ang Office of the Civil Defense, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard.

Nagsagawa rin ng medical response, relief distribution, at aerial assessment sa lugar.

Layunin ng simulation na palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya at tiyakin ang kahandaan ng komunidad sa iba’t ibang banta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments